Akala ko mananatiling tikom
itong nilalaman di lang ng isipan
kundi ng nararamdaman
kunwari malakas pero mahina din
kaya heto lakas loob na maghahayag
Bago pa man sabihin ang kung ano man yun
nanaisin munang ibato itong katanungan
"gaano ba talaga ka "powerful" ang pag-ibig?
walang sinasanto lahat ay tatamaan
at pagtinamaan tila walang kamatayan
ah, ilang beses na rin ako tinamaan nito
ganun lang naman, pag nadapa, bangon uli
pag nakabangon na, harapin ng taas noo
bagama't nandun ang pagaalinlangan muli
nakahanda pa ring suungin anumang gusot
Nais kong ipahatid ang taos puso kong pasasalamat
para sa aking mahal na nagturong magtiwalang muli
bagama't hindi biro ang tinatahak, walang sandali't
minuto sa isipan ng isa't isa'y di sumagi
I miss you, luv...muli, maraming salamat.