Nang ika’y muling nasilayan
Nakadama ako ng katuwaan
Mahal ko, ika’y bumalik
Pag-ibig ko sa iyo’y nanumbalik
Ngunit nakadama ako ng kaba
Hanggang ngayo’y hindi pa humuhupa
Kabang ngayon ko lang naramdaman
At ako’y biglang kinilabutan
Kaya pala ganyan
Pilit nilang hinahadlangan
Umuusbong nating pag-iibigan
Nang hindi namamalayan
Mahal hinahanap-hanap kita
Sinisigaw ng Puso ikaw lamang sinta
Puso ko ngayo’y nagdurusa
Sa pag-ibig nating biglang nawala
Ipangako mo mahal; wag mo akong limutin
Pag iyan nangyari, sariling buhay ay kikitilin
Sariling tadhana ay pangungunahan
Sa pagkawala mo’y wag lang mahirapan
Oh! Mahal, ikaw lamang ang hinihintay
Yaring walang kulay kong buhay
Mas mabuti pang mamatay
Basta’t sa piling mo mahihimlay
Sundan mo ako saan man magpunta
Ang pagsunod mo’y labis kong ikakatuwa
Hanggang sa kabilang buhay sinta
Ikaw lamang ang nais kong makita…