Eto ang kultura kong kinabibilangan
Pag sulat ng tula palupitan ng isipan
Palaliman ng katagang maaaring ibigkas
Ihandog sa madla, matandaan hanggang bukas
Sa mga sumusuporta tulad ni boss negro29
Sa mga idolo kong si Kuiia Gloc 9
Kay Balagtas na inspirasyon ko sa pag gawa
Sa hangarin na maging prinsipeng makata
Subukan niyo ako pag katiwalaan at pakinggan
Sa bawat tugma na aking ilalantaran
Sa bawat katagang aking itutugma
Isasabay sa pag hulma ng kultura
Mahal ko ang kultura at ang ginagawa
Hinahasa ang sarili ng mapansin ng iba
Damdamin na puno ng salita at ideya
Ilalabas ko sa aking kultura, Ang Tula