also known as Room 11.
Sa bawat simula ay may katapusan
Sa bawat pagtatapos ay may kabanatang nabubuksan
Isang pamamaalam na hindi malilimutan
Isang alaala na babaunin sa paglisan
Kalungkuta’y madarama
Pagka’t ikay di na makakasama
Mga ngiti ng iyong mga mata
Hindi ko na muling makikita
Pagmasdan mo ang langit sa kawalan
Isipin mo na pareho tayong nakatanaw sa buwan
Alalahanin natin ang nakaraan
At isipin na lahat ay may hangganan
Darating ang panahon na ako’y iyong malilimutan
Ngunit isa lang ang aking kahilingan
Sana ay hindi mo maranasan ang kalungkutan
Na pilit kong iniwasan nung minsan ako’y iyong kaibigan