puro na lang tanong
ang bawat saknong
ayaw ng gumana
ayaw ding kumalma
ang tula kong hilaw
tinulad sa halimaw
pilit nilalamon
ang bawat paghamon
mahirap arukin
mas mahirap hukayin
piliitin mang ibulong
pinili ang magkulong
san nga ba ang tungo
bakit ka nakatungo?
wag mo nang hubaran
sadya namang lantaran
makikita mo din
maiintindihan mo din