labing dalawang buwan ang syang lumipas
Di ko man lang ito namalayan
Saya at lungkot ay aking naranasan
taglay pa ang buhay na Diyos ang may bigay...
Ilang sakuna ang aking natakasan
Ikaw ang gumabay sa iyong hirang,
Madaming beses na nangakong magbabagong buhay
Ngunit ng mamasdan, sa lihis ako ay namataan..
Sa madaming pagsubok sa buhay kong ito
Labing dalawang buwan, akoy ginabayan mo,
Hindi pinatalo sa napakagulong mundo
Binigyan ng lakas para sa tagumpay ko...
Tinanong sa sarili, karapatdapat ba ako
Nakayukong nahihiya alam nyo na ang sagot ko
Isang taon ang lilisan at di na maibabalik pa
Laging umaasa..... "Kung maibabalik ko pa"
salamat po.......