paulit ulit na lang ang mga kwentong nababasa, naririnig, at napapanigipan..
epekto ba ito ng sobrang kape?!.. kaya ba di na nakakasulat ng panibagong kabaduyan?..
sinusubukan, pinipiga't pinipilit sumulat ng bagong obrang kabaduyan na sablay na iaalay sayo...
nagiisip ng mga panibagong tema at materyales para sa panibagong kabaduyan..
napapraning, nakakabaliw't higit sa lahat ay di makatulog kakaisip sayo..
gustong sabihin't iparamdam na sanay ikaw ay akin na lamang habambuhay...
ipipilit ko na lang ba?!
napapansin mo ba?!
nararamdaman mo man lang ba?!
o ititigil na lang ba..