Matagal na kitang mahal,
Alam ng poong may kapal.
Simula pa lang, ikaw na talaga,
Wala na kong ginustong iba .
===================
May nagawa ako at ika’y nagalit,
Anong rason? Di ko alam kung bakit.
Simula noon, di ko na alam ang gagawin.
Wala na kong alam kahit ang dapat sasabihin.
====================
Kagabi, ikaw at ako’y lasing.
Hanggang umaga, tayo’y gising.
Tinanong kita, “Ano bang magagawa ko?”
Sagot mo, “Wala akong paki sa’yo!”
===================
Nasaktan ako, di ako nakaimik.
Kahit sumikat na ang araw, ako’y tahimik.
Sa wakas alam ko na ang katotohanan.
Kung ano ba ang iyong nararamdaman.
==================
Pinagisipang kong mabuti,
Lahat ng iyong sinabi.
“Ayos lang” sabi ko sa akin.
“Mahal pa rin kita” kahit di mo dinggin.
=================
Saktan mo ako ng saktan,
Huwag mo lang akong iwanan.
=================
PS: P.I. = p**ang ina.