luha ni ina (inspired sa bagyong ondoy)
by: Leonoel Tapia
hindi mapigilang pagluha dahil sa pasakit
pumatak sa lupa na may kasamang galit
dahil naabuso at walang awang ginamit
dahil pinabayaan at respetoy pinagkait
dahil sa sakit naghanap ng karamay
upang mapawi ang nararamdamang lumbay
mahigit isang daang tao sa luhay'y pinatangay
hanggang mawalan ng malay, mawalan ng buhay
mananatili ang pagiyak kung hindi magbabago
mananatili ang galit kung walang pagrespeto
mananatili ang pagkamuhi kung patuloy ang pag abuso
mananatili ang sakit kung walang gagamot dito