Anung hiwaga meron ang halik
sa unang dampi ikaw ay napapikit
anung sarap ng love at first kiss
sa iyong isipan ito ang napakatamis
Anu ang makukuha mo dito
pAg-asa,pagmamahal at pangako ko
pag halik ba ay totoong pagmamahal
o sarili mo lang ang iyong nililinlang
Ito daw ay gamit sa isang selyo
sealed with a kiss ang nakalagay dito
paanu kung ang isang mahal ay aalis
anung pait ng kahit anung halik
Meron din namang kasabihan
ang isang halik ay nakakadarang
huwag kang magtiwala agad dito
pagkat ito ang halik ng isang demonyo
Kahit anung paraan ng paghalik
pag galing sa puso ay napaka tamis
alam na alam mo ang dahilan
ang halik ay para sa totoong nagmamahalan....