ayoko ng ganitong pakiramdam...
gusto kong tumipa ng gitara..
tutugtugan sana kita...
pero wala akong bagong pyesa..
at ang kwerdas, kulang pa ng isa...
ewan ko ba,
kakaiba aking nadarama...
may mumunting kirot at kaba,
kapag naiisip kita...
pano nga ba...
ang tnuog ng iyong tawa...
hinde ko na maalala..
pati ang ngiting mong kay sigla...
hinde ko inakala,
na mag babago ka...
kasabay...
nang pag bago nang......
panahon.....
kumuha ako ng lapis...
gusto kitang iguhit...
pero kahit anong pilit,
ang lumalabas, ay kalait lait lait...
ewan ko ba,
bakit ganito aking nadarama..
ang mumunting tusok ng aspile,
ang sakit na hatid, ay kakaiba...
eto ang hatid....
kapag naiisip ka....
gusto kong marinig...
ang tunog ng iyong tawa...
nag papabatid,
na sa eksena eto'y
ikaw ay natutuwa...
nais kong masulyapan,
ngiti mong abot hanggang tenga...
pero teka..
teka,
teka muna...
kamusta kna ba...?
kamusta kana....?