Alas dose na nang umaga
Di ka pa rin tanaw ng aking mga mata
Siguro sa Estados Unidos ka nagpakasaya
Ng husto kaya Pasko ko'y nagmistulang napariwara
Sabi mo you will come
Sa linyang yan, taos-puso kong dinamdam
Umasa na ika'y muling darating
Sa paskong inaasahan kong magniningnig]
Nagsimula nang magpaputok
Tanggalin ang mga regalo sa pagkakabalot
Hawak-hawak ang larawan mong sa aki'y iniwan
Mga luha'y patak ng patak kahit punasan
Korni ko no? Ghe, ganyan naman lagi eh
Sa twing namimiss kita, yan nalang ang lagi mong sinasabi
Sana, pagkalipas ng ilang araw lamang
Sa puso ko'y sana ikaw na manirahan