Bagamat malayo ka na sa piling ko
Hindi mapagkaila nitong aking puso
Pusong nagnanais na maghiganti
Pusong nagmahal ay wala ng silbi
Di mo ba alam, ako’y nasasaktan
Bawat salita mo’y sakit ang nararamdaman
Ngunit para sa yo’y walang kahulugan
Ang aking hinanankit ay di mo maunawaan
Ginawa ko ang lahat lumigaya ka lamang
Tiniis ko ang hapdi ng pusong sinugatan
Dahil sa akala mong ako’y isang laruan
Ang naangkin ko’y masakit na kabiguan
Ngayon nais kong muli mong malaman
Ako’y gising na sa ginawang kamalian
Ang ibigin ka pala ay isang kahangalan
Dahil ika’y taong hindi maasahan