Naiintidihan kita sa pananahimik mo
Alam kong ayaw mo na sa relasyong ito
Di mo lang siguro masabi ang totoo
kaya dinaan mo na lang sa simpleng paglaho…
Natakot ka siguro na ako’y masaktan
Kaya sa ganyang paraan ako’y iyong iniwan
Ok lang naman na mawala ka sa’kin
Kesa naman sa ako’y iyong linlangin
Kung pag-ibig mo’y di naman para sa’kin
Tama lang maglaho ang iyong gawin…
Wag kang mag-alala’t yakang yaka parin
Dahil paglisan mo’y di ko pansin
Mahirap tal’gang mabalot sa kasinungalingan
Sapagkat ang katotohanan ay pasakit ang dahilan
Lumabas ka na sa iyong bilanguan
Malaya ka na’t muling magdiwang
Kaya mahabag ka na wala akong puot
Sa katulad mong maraming gusot
Kaya sa pag ibig mong dulot…
Please lang wag kang mangbabangungot
Pasalamat ka’t naiintindihan kita…
At kung hinde kinulam na kita…