Vasto Lorde Mobber
Posts : 247 Join date : 2010-02-03 Age : 36 Location : Mt. Panabo tsugbo
| Subject: Kaibigan Ko :D Sat Feb 13, 2010 10:54 pm | |
| Kaibigan Ko
Hayan kana naman aking kaibigan Sa kawalan nakatanaw na naman at luhaan Halos araw araw ka ng nagkakaganyan Sarili mo naman ay iyong kahabagan
Sa buhay mo walang mangyayari Kung di mo mamahalin ang iyong sarili Tumingin ka sa tabi-tabi Marami pang bagay sayo'y magpapangiti
Buhay sadyang minsan mapagbiro Daan sa kasiyahan ay liko-liko Sa mga problema wag kang sumuko Diyos ay tawagin at sa kanya'y yumuko
Luha sa iyong mga mata'y pahirin Buhay mo ay wag sayangin At iyong kasiyahan ang syang hanapin Kaibigan kong magiting.. | |
|