Makata
Mga tunay na makata aking inspirasyon
Ang lawak ng kanilang isipan at imahinasyon
Mga linyang wala sa tugma sa kanila'y may solusyon
Iba't ibang salita binibigyan nila ng sirkulasyon
Kanilang damdamin iyo ring madarama
Hinagpis at saya sa mga salita'y iyong makikita
Minsan mapapangiti ka at minsan mapapaluha pa
Sa mga akda nilang sa isip mo di na mawawala
Pag-ibig, buhay, at mga pangyayari
Sa mga tula kanilang hinahabi
Sa unang pagbasa mo, mensahe nila'y di mo mawari
Pero pag inisip at inintindi
Sa isip at puso mo ito'y mananatili
Kaya itong aking tula..
Para sa inyo mga dakilang makata
Sana di kayo magsawang gumawa
Nang ang kultura ng mga makata'y di mawala