Aking Pakikipagsapalaran
Limang araw nalamang ako'y uuwi na
Sa bansang nagmulat sa aking mga mata
Isang taon lamang akong nawala
Kung iisipin ay parang kay tagal na
Dito sa banyagang bansa ng Taiwan
Sa pag-aaral ako'y nakipagsapalaran
Dala ang pangarap sa buhay nawa'y umalwan
Hamon ng malayo sa pamilya aking naranasan
Labing walong taong gulang nung ako ay lumisan
Dyan sa ating bayan na aking kinalak'han
Pamilya at kaibigan ay aking iniwan
Dahil sa oportunidad na aking nakam'tan
Pananalangin sa Diyos ang aking laging tahan
Sa mga problema, ako'y kanyang laging dinadamayan
Upang sa pakikipagsapalaran aking malapasan
At mga pangarap sa buhay ay mabigyan ko nang katuparan