Pare minsan sama kita
Tambay tayo sa Manila
Gagalugadin natin ang buong siyudad
Uubusin natin ang alak
Titikman natin ang lahat
Alak at babae ang sa iyo
Droga at sugal ang gusto ko
Nanam-namin natin ang sarap
Dahil ilang taong tayong naghirap
Pagbaba natin ng Eroplano
May dalang buhangin galling sa disyerto
Tayo ay magpapalipas ng ilang araw
Bago umuwi sa kanya kanyang bahay
Ang hirap ay ang paglabas
Asawa at anak mo ay naghahanap
Paano mo ito matitiis
Mayakap at mahagkan hanggang langit
Ayan na pare ang Anak mo
Ang salubong ay.....Papa uwi na tayo