Eroplanong papel dala ay pag ibig,sa abot ng tanaw salimpad ng ihip
Nais ipahiwatig ang damdaming tago,musmos na pag iisip sa puso ay may tinatago
Bangkang lulubog lilitaw sa ilog,dala ang mensahe para sa aking irog
Isang pag ala ala galing sa ibang dako,basa man o tuyo ang hangad ko ay hindi magkalayo
Sulat kamay talata sa isang selyo,damdamin at litrato ang kalakip nito
Kahit malayo at nasa kabilang dako,hatid sa iyo ay balita at pag ibig ko
Sa text at internet tayo nagkakilala,madalas kitang matanaw mata sa mata
Lambing ng iyong tinig lagi kong naaalala,sana sa pag uwi ko tayo ay magkasama
Anu mang paraan para makadaupang palad,ilang salinlahi man sana ay matupad
Pag ibig mo na pinaka aasam asam,sana sa paglipas ng panahon ay huwag kalimutan.