Sayang at hindi ko nakamtam ang pag ibig mo
Sa simulat simula ay pinaka aasam ko
Buhat ng bagong tao’y tayo na ang magkakilala
Kalaro ang turing may pag ibig na pala
Kay sarap gunitain ng mga nagdaang taon
Kalaro sa eskwela kasama sa maghapon
Magkahawak kamay habang naglalakad
Ihahatid sa bahay bago ang dilim ay lumaganap
Tuwing umuulan sa payong mo tayo ay magkasukob
Pupunta ng simbahan magkatabi sa loob
Dala ng panahon ang ating kamusmusan
Ala-ala na lang ang ating naiwan
Hindi na ito maari pang dalahin
Pagkat ang kapalaran ng tao ay hindi sukat akalain