kampay
minsan hindi ko din mapigilan
mga nakalipas pagmuni-munihan
na balikan ko ang masayang dati
mga kuwento ng tawa, iyak at ngiti
sa bawat pagliko dun sa kanto
masasalubong mo iba’t ibang anyo
ah, magandang simulan siguro dito
itong aking mumunting kuwento
una kong ipapakilala si Empoy
isa siya sa kaibigan kong palaboy
hindi man siya pinalad sa buhay
pero sa pangangarap walang humpay
minsan siya ay aking nakausap
at sa pagtatapos ako ay nagulat
di isinisisi na pinangak siyang mahirap
gusto lumipad gamit ang sirang pakpak
sa pagtanaw ko sa palayong kaibigan
si Pen naman ang aking namataan
kagaya ng dati, isang maaliwalas na ngiti
ang sa iyo ay kanyang palaging bati
kapag siguro siya ay iyong nakilala
di mo mapipigilan na sa kanya ay humanga
bakit kamo? Dahil puno siya ng pag-asa
kahit di nia kaya mamutawi ni isang salita
habang iniisip ko ang aking nasilayan
heto naman si Maria ang dumadaan
tinagurian ng marami na anak-mayaman
maarte at matapobre sabi ng karamihan
teka! ang loob niya ay hindi mapang-alipin
sa aking nakikita kau itong mga sakim
bakit kaya nde ninyo muna siya kilalanin
napakalinis na puso ang kanya’y inaangkin
hindi ko alam kung ano ang gusto ko ipakiusap
pero sana gamitin natin ang isip ng may lawak
dahil kung sasamahan mo pa ito ng puso
wala na siguro ni isang durog na pagkatao
sana inyong pag-isipan din na minsan may isang bayan..
dun sa bayang paligid ay karagatan
nabuo ang iba’t-ibang pangarap
kagaya ng din ng iba at ng karamihan
puno ng pag-asa, simple, payak
kaya natin lumipad kahit sira pa ang pakpak
kaya natin isatinig ang lahat ng pangarap
kaya natin wag manira at wag mainggit
dun sa taass.. kay Bossing ka kumampay at kumapit
hindi mo nabili ang Pilipinas para bawalan o harangan mo ang iba na
mangarap, ngumiti at umasa pa…
~antuking diwa
11:30:47 AM
03.February.2010
kumampay ka ng walang maliw.. parang musikang walang patid sa pagsaliw.. kahit anu pa man.. ngiti lang..