Hoy mga WATI, anong nangyari dito?
Bakit biglang namutla ang mukha ko?
Nanginginig, tumindig ang balahibo
gusto kong sumigaw, gusto kong tumakbo palayo!
Hoy! Meron akong nakita, isang babae na nagpapakita sa
kusina tuwing gabi... Nye!? White Lady ang dating...
MULTONG WATI! Nakakapraning!
Ako'y kinabahan, dahan-dahang nilapitan...
mula sa likod bigla ko siyang sinunggaban!
Ako'y napahiya nung nakilala ko kung sino...
Si nanay lang naman pala, akala ko multo!
Tatay kong masungit...(MULTONG WATI!)
Kaning mainit... (MULTONG WATI!)
Syota kong ma-gimick... (MULTONG WATI!)
Punung-puno ng sabit!
Mag-isa sa kwarto, ano ba naman ito!?
Sa gitna ng dilim, kabado nanaman ako!
Saking paligid, merong nakatitig...
(MULTONG WATI!) Ako ay nanginginig!
So ako ay tumahimik at ako'y kinabahan.
Bumaba mula sa kama ko dahan-dahan...
sabay takbo sa ilaw at bigla kong binuksan,
salamin lang pala... buti na lang!
Masamang panaginig... (MULTONG WATI!)
Asong makulit...(MULTONG WATI!)
Titser kong nakakabuwiset...(MULTONG WATI!)
na ubod pa nang pangit!...(MULTONG WATI!)
Lahat sa ating paligid ay kinakatakutan:multo, engkanto
at dayuhan. Mga pangyayaring hindi maintindihan, kapag
hindi maunawaan, (MULTONG WATI!) diyan...
(MULTONG WATI!) diyan
ayaw ba kong lubayan
(MULTONG WATI!)diyan
wala akong kasalanan
(MULTONG WATI!) diyan
sana naman ako ay tantanan
ayaw ko ng ganyan
(MULTONG WATI!)diyan.......
(MULTONG WATI!)diyan.....