Naranasan mo na bang piliting mahalin ka ng mahal mo?
Ang hirap 'no? pinipilit mo s'yang mahalin ka... umaasa
na kahit pano mapansin ka n'ya!
Tapos isang araw nagulat ka na lang dahil nagising s'yang mahal ka na din nya... ANSAYA 'NOH?
Nasasabi na niya ang mga katagang "Hinde ka na niya kayang mawala sa buhay nya!"
Eh ikaw naman si gago/xxxx sumobra naman confidence mo sa sarili... porket alam mong mahal
na mahal ka na niya binabalewala mo na!
Hay life... ang stupid 'no?Antagal mong hinintay at pinaghirapan na mapasaiyo, tapos ngayong andyan na di mo naman pinapahalagahan!
Ano bang klaseng utak meron ka?
Ngayon, nagsawa na siya! Napagod na at unti-unti na rin nawalan ng
pagmamahal sa'yo...
Isang araw bigla na lang niyang nasabi sa sarili niya na ayaw na niya at napagod na din siyang intindihin kung anong mundo meron ka...
Natawa ka na lang... hehehe.
Eh ano?
Ako naman nambalewala eh! Masaya naman ako kahit wala sya! I don't care! Di ko na siya mahal 'no!
WOW ASTIG...
Daling sabihin 'no?
E ba't bago matulog siya pa rin iniisip mo? Ba't mga ngiti pa din niya nakalarawan sa utak mo? Ba't hanggang ngayon di mo siya makalimutan? Ba't namimiss mo siya?
O 'kala ko ba di mo na siya mahal?
O baka naman di mo lang kayang aminin sa sarili mo
ang labis na panghihinayang...
Ngayon ako naman ang tatawa...hahaha! Minsan kase iba ang sinasabi ng puso sa totoong
nararamdaman nito!
E pano yan wala na siya? Masakit 'no?
Kasi kahit gusto mo siyang kausapin di mo na magawa dahil di mo alam kung pa'no uumpisahan
e...
Ngayon, sa palagay mo, sinong niloko mo?
Siya ba?
Malamang ngayon masaya na siya... habang ikaw patuloy na niloloko sarili mo sa bagay na akala mo
totoo!
Minsan lang dumating ang taong pwedeng magmahal sa'yo ng totoo at kayang tumanggap ng buong pagkatao mo...
MINSAN lang...
At 'pag 'yan pinakawalan mo...
Baka di mo na kayang ibalik pa ang MINSAN!