Thank you for visiting Angels of Cute Devils Clan Forum....Enjoy Surfing...Please Try to Post Topics ^_^


HomePortalCalendarGalleryFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in
Announcement to all members....this site is under construction and hope please try to cooperate in a way of posting topics and promoting this site so that there would be Numerous user to join...thank you...enjoy surfing in this site.....^_^ thanks for Slasher X for the Most number 2 top posters in this forum...hope this will encourage others also to post topics ^_^..thank you!!! by Mgt

Share | 
 

 Sino Ako?Sino sisihin ko?May pag asa pa ba ako?Tama ba to?

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Dhespherada
Mobber
Mobber
avatar

Posts : 155
Join date : 2010-02-03
Age : 28
Location : Mintal Davao City

PostSubject: Sino Ako?Sino sisihin ko?May pag asa pa ba ako?Tama ba to?   Sat Feb 20, 2010 2:31 am

Bakit ako GANITO?SINO SISISHIN KO?MAY PAG-ASA PA BA?TAMA BA TO?


Dear clanmates,

Nagpost po ako ng kwento ng buhay ko para malaman at maunawan niyo.Sana wala akong mabasang reply na masama at pangiinsulto.Pinost ko po ito ng buong puso.

Pagsilang ko pa lang sa mundo puno na ng hinanakit ang buhay ko.Taong 1996 namatay ang mahal kung ama.Ang naiwan tanging ang aking ina at 2 kung kapatid na lalaki at ako na panganay at nag iisang babae,may kapatid akong babae pero di pinalad mabuhay.Sa pagkawala ni ama,syempre di kami kayang itaguyod ng ina namin.May nagmagandang loob na kopkopin ako,ang half sister ng ina ko.Anim na taong gulang pa lang ako nun.Dun na nagsimula ang kalbaryo ng buhay ko.Pinagsilbihan ko sila,ou tama pina kain nila ako,binihisan at pinag aral.Pero ang kapalit nun walang humpay na utos at pagpapasakit hindi lang physical and emotional din.Tiniis ko yun para lang makapag aral at tiniis kung di makita ang ina at mga kapatid ko,kasi nga daw bawal.Isang pagkakamali lang PAK! ARAY ang abubutin ko.Walang araw na di ako umiiyak,di na nga ata magkasya sa drum ang mga luha ko.

At ng naging labing isang gulang na ako grade 5 na ako nun,nasa poder pa rin ako ng half sister ng mama ko.Taong 2000 yun,wow millenium na,at ng may malaking balita,ito ang mean topic sa buong LUPOn DAVAO ORIENTAL.Ang mahal kung ina ay nagdadalang tao,nakz may kapatid na naman ako noh,ang saya.Ok lang naman di ba kasi wala naman partner mama ko.Ei sinu ba ang ama ng pinagbubuntis ng mahal kung ina?.Awtz ang sakit,SARILI PA NIYANG TIYOHIN,kapatid ng lola ko na mama ng mama ko.Ayun binagsakan na naman ako ng langit,ang bigat.Puno ng hinanakit at paghihiganti habang nagdadalaga ako.May panahon na gusto ko ng sumuko kasi pagod na ako.Tanging diyos lang ang sumbungan ko wala ako masandalan,minsan sabi ko PAPA KO BA'T KA PA KASI NAMATAY KA AT BAKIT MO KAMI INIWAN".Kahit ganun man patuloy pa rin akong lumalaban sa hamon ng buhay,di ko iniinda ang bogbog at utos ng tita ko.

At ng naging 14 na taong gulang na ako dun ako nagsimulang lumaban,di naman lumalaban na nagsasalita ako ng masama at nanakit,parang dun ko na naisip di na ta tama tong nagpapaapi lang ako.High school ako nun,ng dahil lang sa payong?halos mamatay na ako sa bogbog naiwan ko kasi dun sa school service namin,ei gusto ng tita ko na kunin ko dun sa bahay ng may ari ng school service namin,siguro din yun na ang time para makawala ako sa poder ng tita ko,imbes na kunin ko ang payong,lumayas ako.Pumunta ako dun sa kapatid ng papa ko.Yun nakaligtas na ako sa poder ng tita kong malupit,yun ang akala ko,Simula na naman pala ng kalbaryo buhay ko,dahil nga ayaw ko ng mag paapi.Umuwi ako dun sa mama ko sa bahay ng lola ko.


Akala ko maging masaya na ako nun,luha lang din pala ang maransan ko dun,kinuha na naman ako ng tito ng mama ko,nag aral ako ng high school ulit.Pero pasakit lang din ang naani ko dun halos di nga bayaran ang enrollment ko ei.Dun na ako nagsimulang magREBELDE,dati walang linggo na di ako pumapasok sa simbahan,nakasaya pa hanggang tuhod at nakadamit hanggang siko,active sa lahat ng activities ng simbahan,sa paaralan naman pag may 80 ako sa card ang lungkot ko na nun kasi gusto ko lahat grades ko matataas,lagi akong may medal at laging nasakay honor,nagsikap ako para man lang matuwa ang nagpaaral sa akin,at bakit tuwing closing na ipapasa pa kung sino magkabit ng medalya ko,dapat sana matuwa sila di ba,hindi eh!..Kaya un dahil nga di nila binabayaran enrollment ko at di sila proud pag nagkamedalya ako naging bulakbol na ako.Hanggang nauwi sa SUSPENDED ng school..

Sa paghinto ko ng pag aaral,gusto ng mg tito ko na mgtrabaho ako,pinasok nila ako kun san san,umuuwi naman ako agad kasi di ko kaya ang pang aapi ng mga naging amo ko.KINOKONTROL nila ang buhay ko.BOG BOG ARAY iiyak nalang ako,Hanggang may time na di ko na kaya sa lugar namin.Naglayas ako,pumunta ako sa barkada ko,sa edad na labing anim na gulang.Dun na ako natuto magbisyo at salamat naman ang mga naging kaibigan ko di ng iiwan sa eri.Sa pag alis ko nun sinumpa kung"DI AKO BABALIK SA LUGAR NATO KUNG WALANG IBUBUROL SA KAMAG ANAKAN NATIN."sama ko no.at bakit nga ba?Sa paglalakbay ko sa sandaling iyon "MAAIPAGMAMALAKI KO ANG SARILI KO NA KAHIT WALA NA AKONG MAKAIN AT MAIBILI NG LUHO KO"DI KO TALAGA IBININTA ANG LAMAN KO PARA LANG MAKSURVIVE".Barkada ang sandigan ko,kinalimutan ko na lahat.What about my mother?Naku walang pakiaalam yun di niya nga ako kayang ipinagtanggol eh na papatayin na ako ng mga tito ko.Dahil kasi sayo masasabi niyo nagkakamali kayo,sa MARIA CLARA pa ako ni pagsasalita ng masama wala ako nun dahil lang sa kalupitan nila kaya ako natutong lumaban.

Simula nung labing anim na gulang ako at hanggang ngaun pinaninidigan ko ang pagka DESPERADA.Nakapunta sa iba't ibang lugar,nakasalamuha ng ibat ibang klaseng tao,kayang kaya kung sumabay.Hanggang sa may swerteng dumating sa buhay ko,pinalad marunong na akong gumawa ng pera sa sarili kung sikap.Kaya ang buhay ko ngayin barkada sila lang kasi ang nakakaintindi sa akin nagmamahal at nagmamalasaki.Di po totoo ang barkada ay masamang impluwensya at nandiyan lang sa kasiyahan at sa kagipitan di maaasahan,sa apat na taon kung patuloy na namumuhay sa kandungan ng barkada,heto ako at BUHAY pa naman at kasama ko lagi si BRO,kahit di man lagi dumadalaw sa tahanan niya atleast sa puso at isipan ko andito siya.

ANG DRAMA NG BUHAY KO NOH?HAAHAA...ANA LANG JUD NA SIYA....BAHALA NA KAYO KUNG ANU MASASABI NYO..PERO MAO JUD NA AKONG LIFE SA UNA..DI BUHAT BUHAT ANG KAMATUORAN LANG JUD.DI MAN KO TANTONG BUANG MAY DAHILAN LANG,SIGURO MALI MAN JUD ANG AKO MGA MOVES BA NGA GINABUHAT KARUN BAH.PERO UNSAUN MAN NA NASUGDAN NAMAN AMBOT LANG UG UNSAY END.SIGURADO KO MAGKATAWA MO BA PAGHUMAN UG BASA,PERO OKAY LANG ITS YOUR RIGHT TO COMMENT.WALA KO NAGPAKALOUY SA INYOHA,AHMM GEDALADALA RA MAN GUD NAKU NI TAPOS GIBUG ATAN MAN KO UG DALA GEPOST NALANG NAKU DIREA.KUNG NAA PA MO'Y PANGUTANA,PANGUTANA LANG MUH HAH.KAY MUTUBAG JUD KOH.KITANG TANAN MAY SARI SARI KWENTO WALA RA GANI NI KATUNGA AKOANG STORY SA UBANG STORY HEEHEE...









UHAW SA PAGMAHAL SA TUNAY NA KAPAMILYA




DESPERADA?----OU DESPERADA KO,ANG GUSTO NAKU SA AKONG KINABUHI KARUN WALA NAY MAKADAPAT NAKU UG DI NA MUAGAS AKONG LUHA.HARI PATAY NALANG,SA MACHAMBAHAN LANG GUD.KUNG MALASON AW WALAY SWERTE.{DEAD OR ALIVE}


DAPAT BA AKONG SISIHIN?DAPAT BA AKONG HUSGAHAN?AKO BA ANG MAY KASALANAN?R.I.P BA ANG KASAGUTAN?



THANKS!!!
Back to top Go down
View user profile
Simple Guy
Tanker
Tanker
avatar

Posts : 38
Join date : 2010-02-03

PostSubject: HUHUHUHU!!!!!   Sat Feb 20, 2010 8:32 pm

HUHUHUHU!!!!!THE STORY OF YOUR LIFE IS REALLY RELATED TO ME AS OF NOW...BUT IF YOUR STRONG ENOUGH AT HAD A TRUST IN GOD THERES NO REASON WHY YOU CANT ACHIVE YOUR GOALS IN LIFE.....
Back to top Go down
View user profile
Wengskie
Mobber
Mobber
avatar

Posts : 62
Join date : 2010-02-04
Age : 32
Location : Somewhere in Panabo Tweety

PostSubject: MMK   Mon Feb 22, 2010 2:47 pm

Ang masasabi ko lang sayo DESPERADA, huwag ka lang susuko. ito ang kanta na dapat sau

Isip mo'y litong lito
Sa mga panahong nais mong malimot
Bakit ba bumabalakid
Ang iyong mundong ginagalawan
Ang buhay ay sadyang ganyan
Sulirani'y di mapigilan
Itanim mo lang sa 'yong pusong
Kaya mo yan....

[Chorus:]
Pagkabigo't alinlangang
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
Huwag mong itigil ang laban
Huwag mong isuko.... sadyang labanan

Huwag mong isiping ikaw lamang
Ang may madilim na kapalaran
Ikaâ??y hindi tatalikuran
Ng ating ama na siyang lumikha
Hindi lang ikaw ang dumurusa
At hindi lang ikaw ang lumuluha
Pasakit mo'y may katapusan
Kaya mo 'yan....

[Chorus:]
Pagkabigo't alinlangang
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
Huwag mong itigil ang laban
Huwag mong isuko.... sadyang labanan

[Instrument]

[Chorus:] [3x]
Pagkabigo't alinlangang
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
Huwag mong itigil ang laban
Huwag mong isuko.... sadyang labanan
Back to top Go down
View user profile
Sponsored content




PostSubject: Re: Sino Ako?Sino sisihin ko?May pag asa pa ba ako?Tama ba to?   

Back to top Go down
 
Sino Ako?Sino sisihin ko?May pag asa pa ba ako?Tama ba to?
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Sino po marunong gumawa ng PCB layout dito bayad ako load.
» sino po may diagram (chassis KSBA)pwede po makahingi :)
» chassis K20SA205P (sino po may diagram neto )

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: • ¦ Discussion Lounge ¦ • :: Lifestyle Lounge :: Family Matters-
Jump to:  
Forumotion.com | © phpBB | Free forum support | Contact | Report an abuse | Free forum