Slasher X Mobber
Posts : 144 Join date : 2010-02-03 Age : 35 Location : Panabo City
| Subject: 'Wag Ka Nang Umiyak... Sun Feb 14, 2010 10:24 am | |
| 'Wag ka nang umiyak... Sa mundong pabagu-bago, pagibig ko ay totoo. Ako ang iyong bangka kung magalit man ang alon ng panahon, sabay tayong aahon. Kung wala ka nang maintindihan, kung wala ka nang makapitan, kapit ka sa akin, kumapit ka sa akin, hindi kita bibitawan.
'Wag ka nang umiyak... Kung mahaba man ang araw, uuwi ka sa yakap ko. Huwag mo nang damdamin kung wala ako sa 'yong tabi, iniwan ko ang puso ko sa 'yo. At kung pakiramdam mo'y wala ka nang kakampi, isipin mo ako dahil puso't isip ko'y nasa 'yong tabi. Kung wala ka nang maintindihan, kung wala ka nang makapitan, kapit ka sa akin, kumapit ka sa akin, hindi kita bibitawan, hindi kita pababayaan. | |
|
Dhespherada Mobber
Posts : 155 Join date : 2010-02-03 Age : 34 Location : Mintal Davao City
| Subject: Re: 'Wag Ka Nang Umiyak... Thu Feb 18, 2010 4:48 am | |
| | |
|