Gintong Butil
-amadeux-
Heto ang isang pirasong butil
Isang handog sa iyo Hentil
Sa pagtala ng iyong katapatan
Ito’y simbolo ng iyong sinumpaan
Munting handog iyong pagyamanin
Sa iyong hardin iyong payabungin
Huwag kaligtaang diligan at bungkalin
Nang balang araw ika’y may anihin
At sa nangangailangan iyong ibahagi
Huwag ka nang humingi ng kapalit
Pagkat sayo’y higit pa ang babalik
Sa ipinamalas mong malasakit
Gintong Butil huwag sanang isantabi
‘Wag hayaan sa baul at kaligtaan itanim
At kung sakaling ito’y matuyo’t madurog
Wala na akong maibibigay pang handog