wala akong kakayahang bigyan ng solusyon lahat ng problema mo..
pero andito ako para makinig sayo at sabay natin' hanapin ang solusyon sa problema mo..
wala akong kakayahang mapawi ang sakit na nararamdaman mo ng nakaraan..
pero andito ako di magsasawa mag paala ala sayo na kung gaano ka kahalaga sa akin at sa mundong ito..
di ko man makita ang bawat pagkadapa at pagkabigo sa iyong tinatahak..
wag mo sana kakalimutan na maraming sasalo sayo at handang bumuo ule sa mga pira pirasong nabasag na bahagi ng buhay mo..
wala na akong maisip na iba pang dahilan kung sino ka ba talaga sa kin..
pero ang lagi mong tatandaan andito ako upang mahalin ka ng walang kapalit..