tapos na nga ba? o sisimulan pa lamang?
ang bawat yugto ng ating nagdaan
hindi ko maintidihan kung bakit kita iniwan
pero hindi, ako yata ang iyong nilisan.
walang iniwang liwanag ang huli nating pagkikita
o sadya talagang hindi tayo nagkita?
sa iyong huling sulyap, aking naaninag
kislap ng mga luha ngunit, sumulyap at lumuha ka nga ba?
ang mga salita iyong ibinubulong noong andito ka,
tila ata guni guni at wala talagang mga salita.
noong magkasama tayong masaya laging naiisip
dumaan nga ba ang mga sandaling iyon?
tapos na nga ba talaga? tila hindi matanggap
dahil sa totoo lang, wala tayong sinimulan
ang lahat ay nagtatago sa dilim ng katotohanang
hindi mo talaga itinago ngunit sadyang pinaramdam.
buong akalang totoo ang iyong pag kagiliw
ngunit walang totoo sa piling mo na akala ko ay...
kapiling ka......