Ang alam ko noon may hilig ako
oo may hilig magsulat ng tula
essays at pati na maikling kwento
pero tamad lang ako gumawa
Nang ma-in love, hindi pa rin
mas gusto ko pa nga ang makinig ng kanta
mapa hip hop man yan, reggae o electronica man
isama na dyan ang magdownload o magupload ng sine at kanta
Nang minsan ma-brokenhearted wala pa rin
wala pa ring ginawang tula o kwento man lang
ewan ko siguro trip lang pag ako'y tumipa sa keyboard
mas nakakaaliw pa nga ang magbabad sa chatboard
Pag ako nama'y nagumpisang tumipa
asahan mo na ang mga temang pampulitiko
temang pangsosyodad at pangekonomiya
kesehodang maraming antukin eh sa yun ang tuno ko
Pero sa kabilang dako, marami pa rin ang may gusto
hirap din naman kasi kung sumabay ka sa karamihan
na puro na lang tungkol sa pagkainlab at pagkabigo
minsan pa nga tungkol sa panaginip at kababalaghan
Sandali, pinaguusapan dito ay ako bilang umaaktong makata
ang totoo nyan, ordinaryong tao lang ako
na mahilig sa mga bagay-bagay at magmanipula
oo magmanipula ng oras ko na walang nasasakripisyo