Sanay Maunawaan
Huwag mong sabihin na manhid ako
Dahil nagmahal din naman ako
Alam ko na ang damdamin mo
Pero iba ang mahal ko
Nasaktan man kita ay di sinasadya
Tayo'y napaglaruan ng mapagbirong tadhana
Sanay wag mong isiping ikay pinaasa
Na ang damdamin ko ay iyong makukuha
Paumanhin kung naging makasarili ako
Hindi ko man lang inisip ang damdamin mo
Ngunit pareho lang naman tayo
Nagmahal at nasaktan din ng totoo
Alam kong ito ay iyong nauunawaan
Salamat sa pagiging tunay na kaibigan
Natatangi ang iyong kadakilaan
Sanay alaala natin ay kasama sa iyong paglisan
At ang aking tanging hinihiling
Ay makahanap ka ng tunay na mamahalin
Isang taong hindi mananakit ng iyong damdamin
At maging masaya ka sa kanyang piling...