bagyo
July 26th, 2006 by penshopper-008
nagdilim ang langit.
waring nagbabadya ng malakas na hagupit.
may bagyong paparating.
pumatak ang ulan.
waring nagsasabog ng biyaya.
subalit, dulot nito’y kalungkutang walang kaparis.
sumabay pa ang hangin.
malakas na hangin.
animo’y ako’y isang bulak na kayang liparin.
nag-ingay ang mga kulog.
malakas.
nakakabulabog.
katapusan na kaya?
biglang kumidlat.
isang nakakatakot na kidlat.
maliwanag.
matalim.
nakakatakot.
tulad ng buhay.
nakakapangamba.
nakakatakot.
di mo lam kung san ka pupunta.
laging nakatingin matatalim na mata.
malalakas na pangungutya.
madilim nakinabukasan.
pano na?pano na?
bumalik ang aking diwa.
basa na pala ako.
basang basa.
malamig.
lalong nanunuot sakin ang kalungkutan.
kalungkutang bumabalot sa akin tuwing bumabagyo.
ayaw ko ng bagyo.
lalo kung nararamdaman ang aking pag-iisa.
alis na bagyo.
umalis ka na.
at sa iyong pag-alis,
sanay dalahin ng iyong malakas na hangin ang lahat ng aking pangamba.
anurin nawa ng baha ang aking kalungkutan.
alis na.
alis na bagyo.