Sa sandaling ito
habang ako'y nagsusulat
naiisip ko'y mga sentimyento
at mga hinaing na minsan nakakagulat
tanong ko sa sarili ko may magagawa ba ako?
siguro nga meron at mas lalo na yung nasa poder
gagawin ko lang naman ang dapat na gagampanan ko
bakit di rin gawin ang dapat na gampanan ng nasa poder?
lalo na ngayon na nalalapit na ang paghukom ng mga tao
mga taong umaasang may magaganap na pagbabago
pagbabago tungo sa ikauunlad sana ng pangkalahatan
di lang sa iisa, dalawa, tatlo o apat na libong mga gahaman
batu-bato sa langit
ang tamaan wag magagalit