Sa isang yakap nag umpisa,yakap na mahigpit at damang dama
Napa-isip ang dalawang puso,Nagtaka sa mahiwagang natanto
Nagkaroon ng kakaibang damdamin.Sinulat at binasa ng palihim
Nagkasundo para magmahalan, Hindi inisip ang kagigisnan.
Kapalaran ay hindi alam,mapanganib subalit silay darang
Pag ibig na kay tagal na itinago,ngayon lang pinaka walan sa puso
Sinu ang dapat humusga,Sa pag ibig na ibig nila
Walang ibang makapagsabi,pagkat sila ay maligaya
Sinu ang taong matuwid,magtatama sa kanilang pag ibig
Wala kang karapatang mangutya,kahit ikaw ay may pagkakasala
Hayaan mong damahin ng kahit sinu, pag-ibig na kanilang ginusto
Hindi ka matatawag na kusintidor,dahil hindi ka kasali dito.