Tumatangis na mukha ang aking namasdan
Gulo ng daigdig ay iyong naranasan..
Puro dalamhati ang iyong natikman
Pait ng buhay ay lagi mong kaakbay...
Ngunit ang buhay ay sadyang ganyan lamang
Matuwa kat magpasalamat taglay pa angi yong buhay
Sa dami ng nasawi at nawalan ng buhay
Mga mahal sa buhay ang kanilang nilisan...
Tanging pag asa ang sa kanila ay naiwan
Iabot ang kamay, pagdamay ay ibigay mo..
Ikaw na pinalad sa mundong ito
Pag ibig at pag asa ang hiling ko sa inyo..
Mahirap man ang buhay sa daigdig nating ito
Pagkakaisa natin sana ay ating matamo..
Katarungan sa namatayan doon sa Maguindanao
Pag ahon ng buhay doon naman sa natabunan...
TULOY PA RIN ANG PAG IKOT NG ATING BUHAY
IPADAMA SA LAHAT ANG PAGBIBIGAYAN...
dedicated 2 all Ondoy and Maguindanao and now Mayon victims....
PAGSUBOK LANG PO YAN..
WALA NG PUPUNTAHAN ANG NASA ILALIM KUNDI PUMATAAS...