ayoko ng ganitong pakiramdam
meron ka pang sasabihin sa akin...?
ibulong mo na lang, para mas malambing...
napaka sarap damhin ng hangin,
na nagmumula sa iyong mga bibig,
napakabango...
nakakahumaling...
saan ba tayo ngayon tutungo...?
iiwanan na ba natin ang kahapon...?
ang mga alaalang naipon....?
akin na bang itatapon...?
maaari ko bang ikakahon,
para sariwain,
kapag may pagkakataon...
bakit kailangan,
nating lisanin....
hinde ba natin,
maaring pasanin...
lahat ng pangyayari,
lahat ng nagdulot ng pagbabago...
ayokong iwanan eto..
kung maaari,
aking itatago...
sa kalooban ko,
at agarang ilalabas sa oras na naiisin mo..
hinde mo na ba ko kakausapin...?
hinde mo na rin ba hahanapin...?
maari bang sabihin,
ayokong sa kawalan ay mabitin,
sa aking hininga,
ako'y kinakapos na...
kailangan ko ang lunas,
na sayo lamang matatagpuan,
sa mga salitang iyong pinang hahawakan...
sana ay wag bitawan...
wag akong bitawan mag isa sa mundong hinde ko pag aari...
bakit kailangan mo akong lisanin...
hinde naman ako sayo pasanin...
bakit lahat ng pangyayari ay kailangan magdulot ng pagbabago..
ayokong isuko...
aking itatago...
ang iyong mga iniwang salita...
pano ko iibsan ng sakit...
ang hapdi na dala ng dalamhati,...
dalamhati sa iyong pagkawala...
maling akala...
na ako'y masyadong natiwala...
hinde ko inakala...
mawawala kang bigla...
nyahaha..
parang timang lang