Friends lang kung titignan
Tropa lang kung kahahalataan
Di mo man o nila napupuna
Deep inside myself, Love Kita
Cute ka, balasubas pag mumukha ko
Pretty ka, karumaldumal naman ako
Mejo masungit ka, pero mabait naman ako
Kaya ko yang tanggapin, dahil ika'y mahal ko
Mahirap sumulat at gumawa ng isang tula
Lalu na kung bawat linya ay magkatugma
Pero kahit anong hirap ang tahakin
Maiexpress ko lang sarili ko, kayang kayang tiisin
"Hmm,, pwede manligaw?" yan ang tanong ko
Tinitigan sa mata, sana'y mag oo ka
"Okay lang kahit saglit" ang pahabol ko
Pero tingin ko, sa puso mo ako'y tagilid na
"Sorry, di kita type." yan ang sinabi mo
Yan tuloy, tagus tagusan sa puso ko
"You're so cheap and baduy" pahabol mo pa
Sa durog kong puso, di ka man lang naawa
Sana naman, kahit kaunting pag tingin
Kahit katiting, ang maialay mo sa akin
Sana, di ko nalang sinabi ng di ng pagkakaibaga'y di matunaw
Ang aking malalim na katagang "Pwede mangligaw?"