Tubong Las Pinas, ako rito'y lumaki
Sa Bamboo Organ sa ako napaparati
Isinalang noong ika-25 ng Enero taong 1996
Kinababanasan ang mga magic na puro namang tricks
Sa Lapis ko sinandal ang tiwala sa kakahayan
Gumawa nang tula marinig ang mga plakpakan
Inasam na maging makatang manunulat
Sa damdamin ng bawat isa ako magsasambulat
Napaling nang minsan ang interes ko sa computer
Akala ko pa naman, sulat kamay lang at wala nang printer
Mga tula ko'y nagmukha nang mas pormal
De-ink na nang computer, o diba, sosyal?
Marahil ay nagtataka kayo kung saan nanggagaling
Mga ideya sa mga tula at never ever sa drawing
Simple lang yan mga mahal kong ka PU
Sa isip ay taglay ang makata kong Puso
Gaano man pahabain tula ko'y tatapusin
Pagkat mga ideya at pahayag, kailangan bigyang diin
Umasa ka kaibigan, at mahal kong mambabasa
Pagbubutihan ang pagsulat sa bawat linya
whew,, next poem,, kayo magbigay ng topic.. haha,, basta kaya ko po aah..