Ako ito eto ako (ang buhay ko)
Nung bata pa ako,akoy may pangarap
Mag aral ng masikap, ng makaahon sa hirap
Di naglaon ang panahon, sa akin ay yumakap
Unti unting natupad, hiniling kong pangarap
Ayos na, okey na, ang buhay ko sa pinas
Kumakain ako, isang beses bawat oras
Ang magandang trabaho, ay hindi kumupas
At hindi ko naranasan, ang bulsa ay mabutas
Subalit ang tulad ko, ay isang mapagpanggap
Gusto pang higitan ang simple kong pangarap
Kaya nagdesisyon, na ako ay lumipad
Mula sa Pilipinas, papunta ng Riyadh
Panibagong pagsubok, panibagong landas
Sa gitnang silangan, lungkot ang dinanas
Ang tanging iniisip, kailan ba maalis?
Titigil na kaya, ang aking pagtangis
Sa ilalim ng araw, tagaktak ang pawis
Sa bigat ng trabaho, ay naghihinagpis
Ngunit sa isip ko, ito ang ninais
Nagdadasal nalang ,araw ay bumilis
Di ba ang lahat, ay may katapusan
Lungkot sa damdamin,bigla ring lumisan
Magtiis sa hirap na iyong naranasan
Makamit lamang, ang hanap mong yaman
Mabuhay…ang mga OFW…..