Sa dami nang aking kinaaayawan
Ikaw pa ang nag mumukang tangi sa aking isipan
Hindi ka mawala wala
Lagi ikaw ang nasa aking isipan
Hindi pa kita nakikita
Hindi pa kita nahahawakan
Hindi ko pa alam kung ano ang katauhan
Wala akong alam sayo kaya siguro lalo kita gusto
-after 6 months-
Nagbago na ang panahon
Naubos na ang pag ibig
Nasayang lang ang oras
Binalewala lang ang lahat
Nagkasakitan lang tayo
Nagkasugatan lang ng puso
Nalubog lang sa pangako
At nagsawa na sa mga pag suyo
Dito na matatapos
Dito na magwawakas
Wala na talagang pag asa
Kaya ang magagawa ay lumayo na.