"Sana, Babae Po Ako".
Likas na sa tao ang ‘di makuntento,
‘Di nga nagpapasalamat, puro pa reklamo
Katulad na lang ng ‘di maubos na sana ako,
Sana mas, sana may, sana ganito.
Sana makinis at maganda ang mukha ko,
Sana, mahahabang binti at seksing hubog nakamit ko,
Sana, mayroon ako niyan, kagaya ng nasa dibdib mo,
Sana, sana, babae po ako.
Sana, puwede kong dalhin make-up kit ni madder,
Magsuot ng blusa, palda, spageti o kahit daster
Sana, okey lang magsuklay at manalamin sa flyover,
Sana nga, sana, babae po ako.
Sana tawagin din akong ate, miss o kahit nene pa,
Sige okey lang din kahit xxxx, kikay at atribida,
At para mas masaya Aphrodite, felicity, Penelope o Minerva
Kaya nga sana, sana babae po ako, ‘di ba?
Sana, ‘di pigil ang damdamin ko sa kabaro,
‘di sana, may karapatan akong ipaglaban si Sean Carlo,
Sana ‘di ako nasasaktan kung nakakasalubong ng guwapo,
Maawa kayo, sana babae po ako.
Sana nirerespeto akong tulad ni maria,
Hindi siguro ako sinisigawan at kinukutya,
Kung ako’y maligawan, anong ligaya
Kaya lang po lalaki ako, babae sana
Sabi nga nila, makuntento sa kung ano ang mayroon
Pero kasalanan ko ba na hindi nakuha ang nasa isip ko ngayon?
Sana irespeto pa rin, dahil galing sa panginoon,
Pero sana wala akong tula, kung ngkamali ang pagkakataon.
-Wala lang, nakikita ko kasi ung nafee2l ng friend ko.