Nakikita mo pa ba ang unang litrato natin
Kinuhanan ito nuon bago magtakip silim
Habang ang liwanag ay nakatanaw
Sa dalawang puso na nagmamahalan
Sa maghapon na tayo ay magkasama
Namumutawi ang galak sa iyong mga mata
Kapansin pansin sa iyong mga ngiti
Pag ibig nuon na nasa aking kandili
Marahil ay baka nakalimutan mo na
Dito rin ako nagtapat ng pag ibig sa iyo nung una
Pa agam agam pa nga ang iyong pagtugon
Sa buong maghapon ay ang dami mong tanung
Ang saya nung tayong dawala na lang ang magkasama
Pagsamo mo ay tinugon mo na
Hindi na natin alintana ang panahon
Tag ulan man o dapit hapon
Sa ilang taon na kay tagal na nagdaan
Nakatago pa rin at laging minamasdan
Hanggang ngayon ay napaka palad ko
Dahil nasa akin pa rin ang litratong ito