Sa bawat sandali’t oras na nagdaan
Di malilimutan ang mga kasiyahan
Minsan nagpapagaan pa ng iyong kalooban
Ang laro ng damdamin na aking sinalihan
Ayoko kong magising sa katotohanan
Di ako sumusuko sa ano mang laban
Subali’t pagkatalo’y sadyang nakalaan
Masasabi ko na tapos na ang laban
Ngayon ramdam ko na, na ako’y talunan
Matatanggap naman sa puso at isipan
Sa laro ng damdamin mahirap ang laban
At ngayon alam ko kung bakit may kabiguan
Ang araw sa akin ay hindi na sumikat
Nakahanap din ako ng aking katapat
Tanggapin mo kaibigan munti kong pasalamat
Para malaman mo na tanggap ko ang lahat
Tandaan mo nalang ang aking sasabihin
Iyong napanalunan dyosa ng kagandahan
Mahalin mo’t ibigin at hwag paluhain
Tunay mong katapatan ibigay mo narin
Ingatang mabuti ang magandang nakamit
Huwag mong hahayaan na sya ay magalit
Dyosa ng kagandahan sa puso’y nakaukit
Ibigay mo ang lahat buhay man ang kapalit