Ang bawat bigat ng aking paghakbang
ang yapak sa lupa ay aking kasalanan
Sana ang bakas nito ay maiwan
Dumi sa paa ay mahugasan
Sa pag labas ko sa magubat na lugar na ito
Ang katumbas nito ay pagiging bagong tao
Sana ay huwag uli akong madapa
Pagkat ang dungis sa katawan ay kay hirap mawala
Huwag mong ipaubaya sa tadhana ang buhay mo
Pagkat ang tadhana ay magulo
Sakop nito ang kalawakan
Inaasa ang buhay sa kapalaran
Habang maaga ay mag isip ka
Dapat alam mo kung saan ka pupunta
Pagkat ang panahon ay di natin talos
Hindi natin alam kung kailan magtatapos