May balita sa akin ang isang payaso
may dalang baraha at tatlong kutsilyo
Ang sagisag ng baraha ay kapalaran
ang tatlong tarak ay kamatayan
Mahigpit ang utos,mabangis ang babala
galugadin ang siyudad ipagtanung sa madla
Saan makikita saan nagmula
isang magandang dalaga na nakita sa bintana
Paano kita hahanapin aking dalaginding
sa mahiwaga mong ngiti ako ay napa ilalim
Balot ng hiwaga daig pa ang diwata
ngayon ako sa iyo ay nangungulila
Tanggihan ang puso ng isang mangingibig
buo ang layunin tunay na pag ibig
Bihirang ialay sa katulad mo
Ihahandog ko pati ang aking palasyo