Ang pantasya ay napakahiwaga
Ito ay sa komiks mo lang mababasa
Maganda itong gawing libangan
ang isip mo ay dala sa kalawakan
Kay talento ng gumawa nito
lalim ng isip at iba ang pagkatao
Inilipad niya ang sarili sa ilusyon
sa lawak ng isip at ng imahinansyon
Sa isang madilim gubat na mapanglaw
puno ng hiwaga ay walang pagitan
Halos naglipana na ang lahat
mga diwata at duwende na nasa alamat
Mabuting gawain madilim na tingin
nakapaikot sa iyo ay ibang pangitain
Minsan ay may kaba ay mayroong hiwaga
mapapangiti ka pagkatapos magbasa
Hoy...pagkatapos mo ay pahiram ako
bukas ko isasauli kapalit ng komiks ko
Yan ang bukambibig ng mambabasa
dala dala ang komiks hanggang sa bulsa