Ang inyong mababasa ay..ayon lamang sa aking kaalaman
wag seryosohin...libang lang ang hanap natin....
Umpisahan ko sa salita kong hello
Mga tambay sa SB na aking inidolo
Ibubunyag ko ang katangian nila dito
Diko man alam ang kanilang sekreto
Kung ikaw ay newbies nandyan si ezemkap
Handa kang gabayan member ay maging ganap
Tutulungan karin ni boss ravensheart
Para dika maligaw at pakalat kalat
Banggitin ko narin itong si voiyishgem
Di napapagod mangamusta ng member
Sa tamis ng salita ay nakakabigla
Musta na, ingat ka, dragonista pala
Sino ba itong padaan daan lang
Makulit , madaldal, mabait din naman
Mahal sya ni remyx certified pu chikas
Yan si missy mayah wala ng iba pa
Dirin pahuhuli syempre ang idol ko
Pinoy808 machong dragon dito
Lahat ng kinausap ay natutuliro
Wafu ang dating may tattoo sa braso
Isama ko narin si miss angeleizzy
Na sa twing magla log in iba na ang dating
Ang iyong karisma na kamangha mangha
Yung mga may asawa ay nagiging binata
Maalala ko rin pare kong tom sawyer
Mabait, magalang, sa middle east ba naman
Mahilig bumati good morning gud ebning
Kaya ang nakamit gintong nagniningning
Mawawala ba naman ang pangalang kimiko
Sya daw ang unang dragon slayer ng pu
Kaya ang mga dragon ay hindi nagpatalo
Si nasty boy tuleg ang mastermind dito…..