Ito na ba ang aking bayan?
Ito ba ang bansang aking sinilangan?
Wala nang ibang marinig kundi kahirapan at kasakiman..
pagnanakaw sa kaban ng bayan
nagdala sa kanilang pag yaman
at sa atin ay kahirapan...
kahirapan na nagdulot nang-paggawa ng masama
pagnanakaw ang ginawang pag-asa
ang iba nama'y napilitan mangibang bansa
kahit sa kanilang mahal sa buhay ay mawalay
upang umasenso ang buhay..
Ngunit nung sila'y pabalikin sa ating bansa
dahil sa mga naganap na sakuna
sila daw ay tuturuang gumawa ng "Longganisa"
"Longganisa!?" ito ba ang ating pag-asa?
Teknolohiya ang ating kailangan at hinde "Longganisa !!"
Buti pa ang taon nag babago
ang ating gobyerno kelan kaya magbabago?