Bakit ba di ka makuntento sa isa?
Umasa pa naman ako at wala ng iba..
Ngunit ito ako ngayo'y nabigla
sa aking nakita at di na makahuma
Ikaw ay may kasama at kayakap ng iba
Di pa ba ako sapat sa iyo aking sinta?
Upang ako'y iyong pagtaksilan at sumama sa iba
Kaya ito ngayon ako'y luhaan at nag-iisa
Sana naman noon sinabi mo na
Di naman kita pipigilan kung wala na talaga
Pinagmukha mo lang akong xxxxx
Kaya ngayon poot at galit aking nadarama
Sana ay maging masaya ka sa piling niya
Mahalin ka sana nya gaya ng aking ipinadama
Paalam sa iyo aking sinta
Sana'y mapatawad na kita, at makalimutan na..