Thank you for visiting Angels of Cute Devils Clan Forum....Enjoy Surfing...Please Try to Post Topics ^_^


HomePortalCalendarGalleryFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in
Announcement to all members....this site is under construction and hope please try to cooperate in a way of posting topics and promoting this site so that there would be Numerous user to join...thank you...enjoy surfing in this site.....^_^ thanks for Slasher X for the Most number 2 top posters in this forum...hope this will encourage others also to post topics ^_^..thank you!!! by Mgt

Share | 
 

 Gunita Sa Pagkabata

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Vasto Lorde
Mobber
Mobber
avatar

Posts : 247
Join date : 2010-02-03
Age : 29
Location : Mt. Panabo tsugbo

PostSubject: Gunita Sa Pagkabata   Sat Feb 13, 2010 10:57 pm

Gunita sa pagkabata..

Masarap isipin, ang aking kabataan
Lahat ng laro ko’y pisikal na tunay
Kaya kong tumakbo, ng ilang kilometro
Di alintanang pawis, sa suot na sando

Sa ilalim ng buwan, ay nagtataguan
Samantala ang iba ,ay nagtatakutan
Hindi namin puna, lalim ng kadiliman
Na kapag pagod na, kanya kanyang uwian

Nauso din sakin, panahon ng kwentuhan
Na ang laging bida’y, si Pedro at Juan
Halakhak sa tawa, ang aking kaibigan
Kahit ang kwento, ay may kabastusan

Paborito ko noon, palabas na horror
Dalawang istasyon, parehong may terror
Channel 13 noon, ay may Pinoy thriller
Ganon din sa 7, na may Regal shocker

Kilala nyo rin ba, si Leon Guerero
Para syang si Zorro, nakasakay sa kabayo
Sa lahat ng armas, siya’y asintado
Parang si FPJ magaling sa gatilyo

Marami pa sana akong ikukwento
Yung iba limot na wala na sa ulo
Isulat mo nalang ang iyong komento
Ang iyong naalala, nung kabataan mo
Back to top Go down
View user profile
 
Gunita Sa Pagkabata
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: • ¦ Artistry and Skills Lounge ¦ • :: Literary Lounge :: Poetry-
Jump to:  
Free forum | © phpBB | Free forum support | Contact | Report an abuse | Forumotion.com