Paghanga
Sa iyong mga malalambing na bati
Mga simple at nang-aakit na mga ngiti
Mga mensaheng minsan na di ko mawari
Hays, ang puso ko'y parang kinikiliti
Mga kakaiba at di mapantayang banat
Mga kanta mo at panulat
Sa aking isipan ay tumatak
Di ko minsan mapigilang pumapalakpak
Itong puso at damdamin kong payak
Parang ibang landas na naman ang tinatahak
Ito ay di na naman dapat
Dahil ako'y bata at sa iyo'y di sapat
Ilang beses man akong umiwas
ngunit sa anino mo di ako makatakas
Anu bang magagawa ko upang ito'y lumipas
Kung laging ikaw naman ang aking hanap
Paghangang hanggang dito na lamang
Alam ko di na magiging ganap
Kaya pagkakataon na ika'y makausap at mayakap
Kahit sa panaginip di ko na mapapalampas..